A life with a purpose.

Naisip mo na ba bakit pa tayo na buhay sa mundong ito?

Marahil nagsisimula ka palang makita ang reality ng buhay. Akala mo nabuhay ka lang para mag-aral sa school, magtrabaho afterwards. Tapos kapag satisfy kana sa life, bubuksan mo na ang puso mo sa isang tao, mangangarap ka para sa future nyo at kapag nasa tamang edad kana e magpapamilya kana, tapos magpapaaral ka ng mga anak, magtatrabaho ka para sa ikakabuhay ng iyong pamilya, tapos tatanda kana tapos end life na.

Is this what you really want in your life?

A life that has no meaning? no purpose?

Alam ko yung damdamin na para laging may kulang, kahit pa makuha mo sandalian ang mga nais mo sa buhay.

Matagal na panahon na akong Christian, at sa bawat araw, alam kong mas gusto ng Lord mabuhay ako para sa Kanya. Gusto Nya makilala ko pa Siya.

Hindi naman din ako exempted sa mga sitwasyon ng isang kabataan.

Bagamat Highschool ako ng masharean ng Word ng Lord, madaming panahon padin ang nag daan na saka ko mas naiintindihan ang buhay na mayroong purpose.

You know what my dear friends, I was deeply moved to share what I have in the Lord.

Gusto ng Lord magkaroon ng Personal na Relationship sayo. Katulad ng relationship na tinanggap ko sa Kanya.

Alam kong pagod kana sa buhay na puro kalungkutan, puro kapahamakan, punong puno ng galit at kawalan ng pag-asa pero sa Panginoon mo matatagpuan ang lahat. Kase you were created by Him and you are for Him.

Huwag kang maniwala sa mga sinasabe nila tungkol sayo, ang mahalaga yung sinasabi ni Lord sayo.

Huwag mong ibase ang kahulugan ng buhay sa mga nababasa mo o naririnig mo lang, huwag kang maniwala na ang pagkakaroon lamang ng partner sa buhay ang magkokompleto ng buhay mo. Huwag kang maniwala na ang kasikatan ang magpapasaya sayo.

Marami na nagsabi nan, pero marami nagsabing “hindi padin sapat…”

kase ang kasapatan ay nanggagaling sa Panginoon.

Kaya kung nakikita mo ang sarili mo, nagigising ka ng walang dahilan. Hanapin mo sa Panginoon ang dahilan kung bakit ka nabubuhay. Remember what Jesus said in the Bible:

John 10:10 “The thief comes only to steal and kill and destroy; I have come that they may have life, and have it to the full.”

Satan, the true enemy of God and those who already believe in Jesus. Ang purpose Nya sa buhay mo ang nakawin ang mga bagay na nais ibigay ng Lord para sayo. Si Satan ang gustong pumatay at sumira ng buhay mo. Huwag mong hayaan na alipinin ka ng kaaway habang buhay.

May Pag-asa ka pang magkaroon ng buhay na hangad Nya para sa ating lahat. You have to believe in Jesus that He wants you to have a LIFE and have it to the FULL.

You might want to know how to start knowing Him. You might want to ask how to come to Him,

Kapatid, He is with you right now, buksan mo ang puso mo sa Kanya. Aminin na makasalanan ka sa harapan Niya at walang kakayanang kilalanin ang Diyos sa iyong buhay at hingin mo sa Kanya na bigyan ka ng lakas upang makilala Sya.

Huwag mo lang basta tanggapin si Lord bilang Diyos at Tagapagligtas ng iyong buhay sa pamamagitan ng iyong bibig ngunit gawin mo ito sa pamamagitan ng pag sunod sa nais Nya para sayo.

Marami ka pang katanungan? Maaari kang mag email o magcomment dito, gagawin ko ang lahat para matulungan ka. I love you dear but Jesus Loves you more.

Sincerely,

My Story of Faith